KUNG bibigyan ng rating ng producer/director na si Jun Lana ang propesyunalismo ni Martin del Rosario ay tiyak na 10 over 10 ang ipagkakaloob niya.

Martin

Ayon na rin sa partner niyang si Perci Intalan, who is directing Born Beautiful na tatampukan ni Martin, very professional daw ang aktor.

“Mabait siyang bata at hindi reklamador. Kahit puyat mula sa taping ay prepared siya kapag kukunan na. Memoryado niya ang kanyang dialogue.. Dahil puyat ay sa set na lamang siya bumabawi ng tulog. At wala siyang takot gawin ang mga eksenang sensitibo o daring,” sabi ni Perci.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ayon naman kay Direk Jun, ang problema ng ilang young actors ay ang hindi pagbibigay ng halaga sa kanilang propesyon.

“Turing nila ay isa itong raket na pinagkikitaan. Tanggap sila nang tangap ng kung anu-anong event at ang napeperhuwisyo ang ginagawa nilang pelikula Lalo pang lumalala ang sitwasyon kung meron silang teleserye nilalabasan ,” aniya.

Sina Jun Lana at Perci Intalan ang mga agresibong young filmmakers sa likod ng itinatag nilang Idea First Company. Ilan lamang sa naka-line-up nilang proyekto for 2018 ang Born Beautiful, Distance sa Pagitan ng D, at Babaeng Allergic sa WiFi

-REMY UMEREZ