NAG-RELEASE na ang GMA Records ng ticket price para sa coming concert ni Pambansang Bae, ang Alden Richards Adrenaline Rush, ni Alden Richards, sa Setyembre 21, 2018, sa Kia Theatre, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Alden

Nauna rito, after ianunsiyo na puwede nang tumawag sa GMA Records for ticket inquiries, bumaha agad ng tawag sa opisina ng recording company. Tweet nila sa kanilang @RealGMARecords Twitter account: “Lakas ng ulan sa labas pero nasusunog ang telepono namin! Receiving so much love for Alden Richards’ ticket inquiries for the #AldenAdrenalineRushConcert.” Hindi kasi nila ibinigay ang ticket price nang i-announce na nila ang tungkol sa concert, at kung paano nila ma-acquire ito sa Ticketnet.

“Narito ang concert ticket price: VIP - P 4,780 (with free album), Platinum -P3,880, Gold – P 2,780, Silver – P 1,780. Tickets will be officially released via Ticketnet on Friday, June 29, at 10:00 AM.”

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Samantala, tuluy-tuloy na rin ang pagri-record ng third album ni Alden sa GMA Records, na maaaring mai-release kasabay ng concert ni Alden. Ang first single niyang I Will Be Here ay mapakikinggan na sa iTunes sa Linggo, Hulyo 1.

-NORA CALDERON