KUMPIRMADONG tatapusin ni Rayver Cruz ang Bagani, dahil ayaw siyang payagan ng ABS-CBN Production head na si Direk Lauren Dyogi na basta na lang iiwan ang epic serye.

Rayver copy

Ayon sa aming source, nangako naman ang bossing at writers ng Bagani na pagagandahin pa ang papel ni Rayver bilang si Kidlat.

Matatandaang inakala ng lahat na mawawala na ang karakter ni Kidlat nang hawakan niya ang punyal na pag-aari ni Sarimaw (Ryan Eigenmann), dahil magiging kampon na siya nito. Pero hindi ito nangyari dahil nailigtas siya ni Gloria (Dimples Romana).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Umalma ang ilang supporters ni Rayver na mawawala siya sa Bagani, at isa ito sa mga dahilan kung bakit magiging importante na si Kidlat sa serye.

Base rin sa source sa ABS-CBN, pumayag na rin ang aktor na tapusin ang Bagani para naman graceful exit siya sa Kapamilya network.

Samantala, parang okay din naman sa GMA 7 na tapusin muna ni Rayver ang Bagani, habang inihahanda nila ang seryeng pangako nila sa aktor at sa kung sinong makakatambal nito.

As of this writing ay hanggang Agosto pa ang Bagani, kaya dalawang buwan pang maghihintay ang GMA 7 kay Rayver.

-Reggee Bonoan