SA hindi malamang dahilan, iniatras sa Hulyo 22 ang paghamon ni one-time world title challenger Toto Landero ng Pilipinas kay International Boxing Organization (IBO) minimumweight champion Simphiwe Khonco na orihinal na nakatakda sa Hunyo 22 sa Umtata, Eastern Cape sa South Africa.

Maraming paraan ang mga South African boxing promoter para sirain ang pagsasanay ng mga Pilipinong lumalaban sa nasabing bansa kabilang ang madalas na pagpapaliban ng laban.

Ikalawang tyansa ito ni Landero na maging world champion matapos matalo sa kanyang huling laban sa puntos kay WBA minimumweight titlist Thammanoon Niyomtrong noong nakaraang Marso 6 sa Chonburi, Thailand.

Ngunit, sa ikalawang sunod na depensa ni Khonco sa isang Pilipino matapos talunin sa 12-round unanimous decision si challenger Lito Dante noong Hunyo 10, 2017 sa Emperor’s Palace, Kempton Park, Souath Africa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord si Khonco na 18 panalo, 5 talo na may 7 pagwawagi lamang sa knockouts at ito ang ikatlong depensa niya ng IBO title mula nang makuha sa kababayang si Siyabongo Siyo.

May kartada naman si Landero na 10-2-2 a may 2 pagwawagi lamang sa knockouts ngunit maganda ang ipinakita niya nang hamunin si Niyomtrong sa Thailand kaya natakot marahil ang promoter ni Khonco sa kanyang estilo.

-Gilbert Espeña