Isang linggo pa lamang sa Saudi Arabia ay gusto nang umuwi ng isang Pinay household service worker (HSW) dahil sinasaktan siya ng kanyang amo.

Nakita sa video ang pagmamakaawa si Virginia Fabian na tulungan siyang makauwi dahil sa pananakit ng tiyan at hindi makapagtrabaho sa Riyadh. Lagi din umano siyang pinapagalitan at sinisigawan ng kanyang amo.

Humingi na ng tulong ang kanyang mister sa ahensiya na nagpadala sa kanya sa Saudi Arabia, ngunit kailangang bayaran ni Fabian ang mahigit P100,000 na iginastos sa kanya para siya ay makauwi.

Wala pang tugon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hinggil sa apela ni Fabian.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Mina Navarro