Naglunsad na kahapon ng manhunt operations ang pulisya laban sa isang out-of-school youth (OSY) na suspek sa pananaksak sa ina ng bata na umano’y minolestiya niya sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Nagtatago na ngayon ang suspek, na residente ng Barangay Bayanan, Muntinlupa City, makaraang tumakas matapos ang insidente.

Nilalapatan naman ngayon sa pagamutan ang ginang na taga-Bayanan din, matapos na magtamo ng maraming saksak sa katawan.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang pananaksak sa loob ng bahay ng ginang, dakong 12:30 ng madaling araw.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

B a g o a n g i n s i d e n t e , mahimbing ang ginang kasama ang apat na taong gulang na babaeng anak niya nang biglang magising ang una.

Nang maalimpungatan ang ginang, nakita niya ang suspek na minomolestiya ang kanyang anak, kaya tinangka niyang awatin ito.

Pero sa halip na matakot, bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang ginang.

Mahaharap sa kasong statutory rape at frustrated homicide ang suspek.

-Bella Gamotea