MAGSASAMA - SAMA ang mga sports officials at mga atleta sa isang pisikal ngunit masayang kompetisyon s a p a g s a s a g a w a ng Olympic Day na gaganapin ngayong Hunyo 30 sa Track and field oval ng Philsports Complex sa Pasig City.

A n g n a s a b i n g okasyon na inorganisa ng Philippine Olympic C o m m i t t e e ( P O C ) officials, mga coaches at national athletes buhat sa iba’t ibang national sports associations NSAs ay nakatakda ring lumahok sa mga palaro kung saan ilang dito ay Zumba at ang Tao tribe.

“The POC invites everyone t o j o i n in celebrating more than just sports, but also the ideals and values that define the Olympic Movement,’’ pahayag ni POC deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero.

Inaasahan naman ang padating ng mga kilalang personalidad ng POC sa pangunguna nina POC president Ricky Vargas kasama sina POC chairman Abraham “Bambol’’ Tolentino, secretary general Patrick Gregorio, si Frank Elizalde na dating kinatawan ng International Olympic Committee IOC para sa Pilipinas, kasama din ang kasalukuyang IOC representative na si Mikee Cojuangco- Jaworski, si Ed Picson na siyang communications director at ang mga board members ng nasabing kumite.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“The event welcomes NSAs, elite athletes and notable sports leaders and personalities to come together with friends and family to enjoy a day of discovering and learning something new through sports,’’ ani Caballero. “We a r e exci t e d t o reintroduce the values of Olympism not just as sports excellence, but as a way of life,’’ dagdag pa ng pinuno ng Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA).

-Annie Abad