ISTANBUL (AFP) – Si Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang nagwagi sa dikit na labang presidential polls, sinabi ng election authority kahapon, pinalawig ang kanyang 15- taong paghawak sa poder habang nagrereklamo ang oposisyon tungkol sa bilangan.

Sa unang pagkakataon ay bumoto ang Turkish voters ng president at parliament sa snap elections, at si Erdogan ang lumalabas na panalo. Nakuha rin ng kanyang ruling Justice and Development Party (AKP) ang overall majority.

‘’I have been entrusted by the nation with the task and duties of the presidency,’’ sinabi ni Erdogan sa victory address sa kanyanhg bahay sa Istanbul, nangako na mabilis na ipatutupad ang bagong presidential system.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na