SOBRANG kumportable at walang naramdamang kaba si Kiko Estrada sa eksena nila ng inang si Cheska Diaz sa pelikulang Walwal, at sa katunayan, masaya ang baguhang young actor na nakaeksena niya ang sariling ina.

Kiko Estrada

“Sobrang dali niyang kaeksena. It’s so easy, magaling siyang aktres,” sey pa ni Kiko.

Kuwento ni Kiko, siya ang dahilan kaya napurnada ang papausbong na noong showbiz career ni Cheska. Kumbaga, papasikat na nga raw noon ang kanyang ina nang magbuntis ito sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“One of her biggest strives before, kasi nu’ng nabuntis siya sa akin, eh, natigil ‘yung career niya. Pinapasikat na siya noon ni Mother Lily (Monteverde) pero dumating nga ako sa buhay niya, kaya ‘yun ang nangyari,” sey pa ni Kiko.

Ayon kay Kiko, mismong si Cheska raw ang nag-aasikaso sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang magkakapatid.

“My mom took care of me, took care of my brother and my sister. She give up lahat para sa amin, [pati] ’yung pangarap niyang maging aktres. Nakakataba ng puso,” seryosong sabi ni Kiko.

Naikuwento na rin ni Kiko ang isang eksena nilang mag-ina sa Walwal, na parang hawig sa totoong buhay, huh!

Sa isang eksena kasi sa pelikula ay may dialogue si Cheska: “Ikandado mo ‘yung zipper mo, huwag gumaya sa lahi ng ama mo na mga babaero!”

Siyempre, nagulat at natawa raw si Kiko.

“Parang half-meant siya, eh. Natawa ako kasi sobrang natural lang nu’ng bato niya, eh, alam mo ‘yon. Nagulat ako kasi, usually, kami ng nanay ko nagre-rehearse kami. So, ‘yung eksena na ‘yun, hindi namin ni-rehearse,” lahad pa rin ni Kiko.

Pero para sa aktor, alam niyang sa totoong buhay ay hindi ‘yun kayang sabihin ni Cheska tungkol sa tatay niya, huh!

Si Kiko ay anak ni Cheska sa ex-boyfriend na si Gary Estrada.

-JIMI C. ESCALA