NABUHAYAN ng pag-asa ang fans nina Piolo Pascual at KC Concepcion na magiging magkaibigan uli ang dating magkasintahan, pagkatapos na i-like ng aktres ang post ni Moimoi Marcampo, ang trusted PA ni Piolo, ng litrato nito habang katabing natutulog ang aktor.

KC Concepcion

Ang picture ay kuha yata habang break time sa taping ng Since I Found You.

Hindi man nag-comment si KC sa nasabing picture nina Piolo at Moimoi, na kinainggitan ng marami, ay natuwa pa rin ang fans sa pag-like ng aktres dito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aabangan daw nila na mismong sa Instagram na ni Piolo mag-like si KC, lalo na kung mag-iiwan pa ng comment ang aktres sa posted photos ng ex-boyfriend.

Marami talaga ang nainggit kay Moimoi. Imagine, katabi na niya sa bed si Piolo ay yakap pa siya nito, dahil malamig daw sa tent. Kahit pa may paalala na siyang “wala lang ‘to guys...maliit na bagay lang”, hindi maiwasang marami ang mainggit sa kanya.

Samantala, sisimulan na yata ang shooting ng Marawi movie nina Piolo at Robin Padilla. Nakita siyang nakipag-meeting sa director ng movie na si Sheron Dayoc, kasama si Direk Joyce Bernal, na co-producer nina Piolo at Erickson Raymundo sa Spring Films.

-Nitz Miralles