ISANG lalaki ang inaresto at kinasuhan ng murder kaugnay ng pagkamatay ng up-and-coming U.S. rapper na si XXXTentacion, na binaril sa Florida nitong Lunes.

XXXTentacion

Si Dedrick Williams, 22, ay isinailalim ng pulisya sa kustodiya nito noong Miyerkules ng gabi, dalawang araw matapos na barilin at mapatay si XXXTentacion, Jahseh Dwayne Onfroy ang tunay na pangalan, habang paalis sa isang motor sports dealership sa Deerfield Beach, may 64 na kilometro ang layo mula sa hilaga ng Miami.

Ikinagulat ng hip-hop community ang pagkamatay ng 20-year-old rapper, at bumuhos ang tributes online.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Dalawang lalaki ang nakitang tumakas sa lugar ng krimen, sakay sa dark SUV matapos magpaputok ng baril ang isa sa kanila sa posibleng robbery attempt, ayon sa mga imbestigador. Hindi pa malinaw kung pinaghahanap ng pulisya ang pangalawang suspek.

Isinilang at lumaki sa Plantation, Florida, Agosto 2017 nang ilabas ni XXXTentacion ang kanyang debut album. Ang second album niyang? ay nag-debut sa No. 1 sa Billboard 200 album chart nang i-release noong Marso.

Ayon sa local media reports, minsan nang nakulong ang rapper at naghihintay ng trial sa mga alegasyon ng pananakit sa kanyang buntis na girlfriend.

Sinabi ng pulisya na kinasuhan din si Williams ng probation violation sa pagnanakaw ng sasakyan at pagmamaneho nang walang lisensiya.

-Reuters