MALAPIT na ang laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at marami ang kabado kung may ibubuga pa siya sa paghamon kay Argentinian Lucas Matthyse para sa WBA welterweight title sa Hulyo 15 sa Axiata Arena, sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MASIDHI ang paghahanda ni Pacman sa pangangasiwa ng kanyang kaibigang si Buboy Fernandez. (MP PROMOTION)

MASIDHI ang paghahanda ni Pacman sa pangangasiwa ng kanyang kaibigang si Buboy Fernandez. (MP PROMOTION)

Ngunit, para sa beteranong trainer na si Nonito Donaire Sr., walang dapat na ipagamba at malinaw na liyamado si Pacquiao dahil sa angking liksi kumpara sa knockout artist na si Matthyse.

“Sobra pa rin ang bilis ni Manny at pursigido talaga sa pagsasanay,” sabi ni Donaire sa Balita. “Handang-handa siya sa laban.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Beteranong trainer si Donaire Sr. na nagpaunlad sa boxing skills ng mga anak na sina Glenn at Nonito Donaire Jr.

Dalawang beses lumaban pero nabigo sa kampeonatong pandaigdig si Glenn samantalang naging five-division world titlist si Nonito Jr.

“I have held the punch mitts for a lot of heavy-hitters but he’s different. His punches are fast and crisp. We get tired of switching places on the mitts because he’s very fast,” sabi ni Donaire Sr.

“Manny has the advantage in speed. He’s also a very smart fighter,” aniya.

May rekord si Pacquiao na 59-7-2 na may 38 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Matthysse na may kartadang 39 panalo, 4 na talo, 36 sa pamamagitan ng knockouts.

-Gilbert Espeña