Binalaan ni Pangulong Du­terte ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) na tan­tanan ang mga turista sa gitna ng mga reklamo ng pangingikil sa ilang dayuhan.

“I’m ordering now that kay­ong mga Immigration and police should not approach any of the tourists on the guise of question about their stay or valid papers,” sinabi ng Pangulo, sa pagbubukas ng Vista Mall sa Iloilo City nitong Miyerkules ng gabi.

Ikinalungkot ni Duterte na maraming Korean at Chi­nese ang palaging inaaba­la ng immigration at pulisya. “Stop it, ayoko ng ganun,” diin niya.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga benepisyaryo ng land reform sa Iloilo City, binalaan ni Duterte ang mga tauhan ng BI na itigil ang pangingikil sa mga banyaga o papatayin o ipatatapon niya ang mga ito sa Jolo.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sinabihan ng Pangulo ang BI na ‘wag buwisitin ang mga turista matapos makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa umano’y ex­tortion sa ilang mga bisita. Aniya, tanging si BI chief Jaime Morente ang awtorisadong magbigay ng kautusan sa bureau personnel.

“There’s a lot of stupid things going on. Do not do that because isang mali lang, hihiritan kita. Either patayin kita or sampulan kita or itapon kita sa Jolo,” sabi ng Pangulo.

Nauna na ring ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ilang turistang Chinese ang nagreklamo sa pang­ingikil ng ilang tauhan ng Bureau of Customs personnel. Ipinaabot ni Puyat ang reklamo kay Customs chief Isidro Lapeña, na nangakong aaksiyunan ang problema

-GENALYN D. KABILING