MATAPOS makuha ang beteranong gunner na si Jeff Chan sa Phoenix, humirit na naman ng isang trade ang Barangay Ginebra Kings nang kanilang ipamigay si Paolo Taha sa Globalport kapalit ni forward Julian Sargent.

Naaprubahan ang nasabing trade ng PBA Commissioners Office nitong Martes.

Nakuha ng Kings mula sa Mahindra sa bisa rin ng isang trade noong 2016 , ang 27-anyos na si Taha, ngunit bihirang mabigyan ng exposure dahil loaded ang backcourt ng Kings.

Ang dating St. Benilde Blazer ay magbabalik sa Batang Pier, ang koponan na pumili sa kanya buhat sa draft noong 2014.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kabilang dako, inaasahan namang makakadagdag sa puwersa ng wing rotation ng Ginebra na pinangungunahan nina Kevin Ferrer at Aljon Mariano ang dating De La Salle standout na si Sargent.

Habang isinasara ang pahinang ito kahapon ay may laban ang Kings kontra Columbian Dyip sa Araneta Coliseum.

-Marivic Awitan