WASHINGTON (Reuters) – Ang missile engine test site na sinabi ni President Donald Trump na ipinangako ni North Korean leader Kim Jong Un na wawasakin ay isang malaking pasilidad sa kanlurang bahagi ng bansa na ginamit para subukin ang mga makina ng long-range missiles, ibinuking ng isang opisyal ng United States nitong Miyerkules.

Tinukoy ng isang U.S. official ang Sohae Satellite Launching Ground. Sinabi niya na ginamit ng North Korea ang lugar “to test liquid-propellant engines for its long-range ballistic missiles.” Sinabi ng Pyongyang na kayang tamaan ng mga missile nito ang Amerika.

“Chairman Kim promised that North Korea would destroy a missile engine test stand soon,” sinabi ng tumangging pangalan na opisyal, sa Reuters.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'