ANG tween stars na sina Jillian Ward at Miggs Cuaderno ang nanalo sa Lip Sync Battle Philippines nitong Linggo ng gabi. Sila ang kauna-unahang tween stars na nakapag-uwi ng LSB championship belt ng show.

Miggs at Jillian

Nakatapat nila sa pagli-lip sync ang dalawa pang Kapuso tween stars na sina Will Ashley at Sofia Pablo.

“Grabe po, sobrang saya namin. Sobrang na-shock po talaga kami,”sinabi ni Miggs sa post-interview sa kanila.

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

Lahad naman ng nagdadalagang si Jillian, “Talagang worth it po ‘yung pananakit ng buong katawan ko kagabi.”

Hirit naman ng Best Actor awardee ng Chéries Chéris International Film Festival sa France: “Pati ‘yung likod, sumakit, makuha lang ito.”

Patuloy ni Miggs, “Nu’ng nakita namin ‘yung performance nina Will at Sofia, na-shock po ako kasi hindi ko ine-expect na andu’n sila sa mga disco ball sa may parang ceiling ba ‘yun? Du’n sa taas. Du’n sila nanggaling. Saka ‘yung part na rocky, hindi ko ine-expect na ‘yun ‘yung gagawin nila. Nakatutuwa rin po ‘yung performance nila.”

“Magaling din po sila pero, siguro kami ‘yung naanuhan nu’ng tao, nu’ng audience. Kudos pa rin sa kanila kasi magaling din sila at good sports din sila,” sambit naman ng dating nagbida bilang Trudis Liit.

Nagpasalamat ang dalawang tween stars sa suporta ng kanilang mga tagahanga.

“ ‘Yung mga sumuporta sa amin galing pa ng mga province kaya talagang full support sila,” ani Jillian.

“Sa LSB, magagawa ninyo ‘yung mga bagay na hindi ninyo nagagawa. Sobrang saya po,” paliwanag ni Miggs.

Ang Lip Sync Battle Philippines ay hosted nina Michael V. at Iya Villania- Arellano. Napapanood ito on a Sunday timeslot, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA Network.

-LITO MAÑAGO