BORACAY ISLAND – Humingi ng paumanhin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naipamahaging expired na food packs sa ilang residente rito.

Ayon kay DSWD regional director Rebecca Geamala, base sa kanilang inventory ay pitong food packs ang expired at nangakong papalitan ang mga ito.

Aniya, naipamahagi nila ang aabot sa 2,760 family food packs sa mga residente ng Boracay.

Iniimbestigahan ng DSWD ang insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Jun N. Aguirre