Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng gobyerno para mabawi ang umano’y P51 bilyong nakaw na yaman at mga danyos laban sa estate ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at mga kaibigan nito.

Sa desisyon na isinulat ni Justice Noel G. Tijam, pinagtibay ng SC ang desisyon ng Sandiganbayan noong 2010 at 2011 na nagbabasura sa complaint for reconveyance, reversion, restitution and damages na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Nakasaad sa desisyon na nabigo ang Republika na patunayan ang mga ninakaw na yaman ng mga akusado.

“WHEREFORE, the Decision dated August 5, 2010 and Joint Resolution dated August 31, 2011 of the Sandiganbayan in Civil Case No. 0016 dismissing the Republic’s complaint for reconveyance, reversion, accounting, restitution and damages for insufficiency of evidence are AFFIRMED. SO ORDERED,” diin ng korte.

Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Pinangalanan sa reklamo ng PCGG na inihain 31 taon na ang nakalipas sina dating First Lady Imelda Marcos, na kumakatawan kay Marcos, negosyanteng si Rodolfo Cuenca at anak nitong si Roberto Cuenca, dating Philippine National Bank president Panfilo O. Domingo, dating Trade Minister Roberto Ongpin, dating Development Bank of the Philippines officer Don Ferry, at 11 iba pa.

Inaakusahan ng PCGG ang mga Marcos at kanilang cronies na sangkot sa “schemes, devices or stratagems” para magkamal ng ill-gotten assets.

-Rey G. Panaligan