INILAHAD ni Diego Loyzaga ang kanyang panig sa TV Patrol Weekend nitong Sabado. Iginiit ng aktor ang totoong nangyari sa kinasangkutan niyang gulo sa Grab driver na si John Ronnel Paglalunan, na nag-akusa sa kanya ng paninira sa sasakyan nito noong Biyernes ng madaling araw.

Diego

Sinabi pa ng driver sa mga unang panayam sa kanya na lasing si Diego nung magkaroon sila ng traffic altercation.

Paliwanag ng Kapamilya actor, he wasn’t drunk and was asleep when John abruptly cut in on his convoy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Napaliko talaga iyong driver ko nang malakas sa kaliwa at nagpreno siya nang malakas,” pahayag ni Diego sa TV Patrol entertainment reporter na si MJ Felipe.

Kuwento pa ni Diego, bumaba siya sa sasakyan at kinausap ang driver.

“Pagbaba ko, I said ‘peace’ to him. And what did he do? He just put up his phone and started taking a video of me,” sabi ng aktor.

John’s co-Grab driver, Kian Garica, posted these videos on his Facebook account, along with their version of the road altercation.

Sa nasabing post, inakusahan si Diego na nakasira ng sasakyan, ngunit mariin itong pinabulaanan ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga.

Giit pa ni Diego: “Walang damage ako nagawa sa sasakyan niya. Naiwasan ng driver ko (na mabangga ang sasakyan). Tapos, five hours later, ang allegation nila sa akin ay sinira ko ‘yung sasakyan, nagbato ako nang bato, at nang-trip ako nang walang dahilan.”

Diego already communicated with the owner of the Grab car, Elaine Tiamzon.

Tiamzon said that she is willing to retract the complaint and apologize to the actor if proven that John was actually the one at fault.

Both camps are currently waiting for the release of the CCTV footage.

-ADOR V. SALUTA