Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang makaengkuwentro ang militar sa Patikul Sulu, iniulat kahapon.

Sa report ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), naganap ang labanan sa Sitio Salih, Barangay Panglahayan, Patikul, nitong Sabado dakong 6:30 ng gabi.

Ayon kay Army Lt. Col. Ronald Mateo, commander ng 32nd IB, nagpapatrulya ang mga sundalo sa Bgy. Panglahayan nang makasagupa ang 'di mabilang na tauhan ng ASG.

Sa gitna ng pagpapalitan ng bala, bumulagta ang isang hindi pa nakikilalang bandido habang nakatakas ang iba nitong kasama.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam ang ilang improvised explosive device (IED) at ilang personal na gamit.

-Fer Taboy