Labing-dalawang katao ang naaresto ng awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon nang salakayin ang mga umano’y drug den sa Caloocan City, nitong Sabado ng umaga.

Unang natimbog sina Dennis Mauricio, 32; Robert Villanueva, 36; Kristalyn Barlam, 20; Ryan Batchao, 19; at isang 17-anyos na lalaki.

Dinakma ang lima nang maaktuhan umanong nagpa-pot session sa isang bahay sa Santiago Street, Barangay 156, dakong 2:15 ng madaling araw.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na pakete ng droga at drug paraphernalia.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Makalipas ang tatlong oras, nakatanggap naman ng impormasyon ang pulisya hinggil sa umano’y nagaganap na pot session sa Phase 4B, Bgy. 176 at agad sinalakay ng anti-illegal drugs operatives.

Naaresto sa raid sina Ricky Guadamore, 43; Marissa Escobar, 34; Junaid Macantood, 25; Nestor Flor, Jr., 29; Hamdan Adato, 24; Jackielyn Montallana, 18; at Benjamin Guadamore.

Nakumpiska ang dalawang pakete ng ipinagbabawal na gamot at mga drug paraphernalia.

-Kate Louise Javier