Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa aksidente sa karera sa motorsiklo na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng pito pa sa Carmen, Davao del Norte, nitong Sabado ng hapon.

Sa report ni Davao del Norte Provincial Police Office (DNPPO) spokesperson, Chief Insp. Milgrace Driz, kinilala ang namatay na si Tirso Casuga, 26 anyos.

Aniya, nanonood si Casuga at ang ilan pa sa motocross competition sa Carmen National High School sa Purok 6, Barangay Ising bandang 3:30 ng hapon.

Sa gitna ng kumpetisyon, nawalan ng kontrol ang isang motorcyle driver , si Kent Jerecho Dimaano, 18, kaya bigla itong lumiko at niragasa ang manonood.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sugatan sa aksidente sina Gretchen Lagat, 28; Efren Abella, Jr., 27; Christian Taba, 15; Jazhin Generoso, 13; Jeric Tranquilan, 18; at Christian Corton, 15 anyos.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyari.

-Fer Taboy