Patay ang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis, habang nakatakas naman ang kasama nito sa buy-bust operation sa ParaƱaque City, kahapon ng madaling araw.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng suspek na kinilala sa alyas na ā€œBoy Tattooā€, 28-30, nakasuot ng itim na T-shirt at asul na shorts.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng kasama nito na tumakas gamit ang motorsiklo.

Base sa report, nauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng ParaƱaque City Police sa C-5 extension, sa Barangay San Dionisio, dakong 5:00 ng madaling araw.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nagsabwatan umano ang mga suspek sa pagbebenta ng dalawang pakete ng shabu sa isang police poseur-buyer.

N a h a l a t a uma n o n i Boy Tattoo na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya pinaputukan ang pulis.

Sa pagpapalitan ng bala ng mga suspek at ng awtoridad, bumulagta ang isa habang nakatakas ang isa pa.

-Bella Gamotea