miguel and bianca

Ni NITZ MIRALLES

HINDI ipinost nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa kani-kanyang social media account ang kanilang pagde-date. Wala tuloy details na nalaman ang fans ng Kambal Karibal stars.

Hindi alam kung saan sila nag-date last week, at kung bakit may date at kung first formal date nila ‘yun na silang dalawa lang.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May pa-bouquet of flowers pa si Miguel para kay Bianca, at ang ganda lang tingnan na bago sila kumain ay nag-sign of the cross at nag-pray muna ang dalawa.

Ang sweet pa dahil si Miguel ang nagregalo ng isinuot ni Bianca sa date nila. Gulat na gulat si Bianca nang matanggap ang box na may purple dress sa loob. Nakasulat sa card: “Please wear this... See you later.”

Sa ginawang ‘yun ni Miguel, nakalamang siya sa mga may gusto at gustong manligaw sa leading lady niya sa Kambal Karibal.

Malaking tulong din na kilala na ni Bianca si Miguel dahil matagal na silang magkasama, at best friend pa nga.