Ni JIMI ESCALA

SINABI ng nakausap naming ABS-CBN insider na malaki ang posibilidad na ma-extend na naman ang seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

coco martin

Kamakailan ay umugong ang balita na hanggang October na lang ngayong taon ang nasabing primetime serye ng Kapamilya network. Kumbaga, tatapusin na raw ang dalawang taong pamamayagpag sa telebisyon ng nabanggit na serye.

Tsika at Intriga

Chito Miranda bumati sa Pasko, flinex misis na si Neri at mga anak

Pero nagkaroon daw ng meeting ang mga taong involved sa produksiyon, kasama ang mga “big boss” ng istasyon, at napagkasunduan daw na sa end of the year na raw ito tatapusin.

Kumbaga, hanggang December pa nating mapapanood ang FPJ: Ang Probinsiyano, huh!

Sa totoo lang naman, sobrang taas ng rating ng serye ni Coco, at very timely ang mga tinatalakay na isyu, lalo na ‘yung may kinalaman sa kasalukuyang political issues sa bansa.

“Ilang shows na rin naman ang itinumba ng FPJAP, and for sure ngayong na-extend na naman ang serye ni Coco, eh, tiyak naman na may itatapat silang bago,”sey pa ng source namin.

Balitang ang kasalukuyang ginagawang serye ni Alden Richards ang itatapat sa FPJAP ni Coco Martin, huh!

Samantala, si Edu Manzano ang pansamantalang main kontrabida sa FPJAP. Pero hindi raw naman mawawala si Eddie Garcia, at ibabalik pa rin daw naman ang beteranong aktor. Ayaw namang kumpirmahin ng aming source ang napabalitang may sakit ngayon si Eddie.