Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang manlaban umano sa buy-bust operation sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa Chinese General Hospital si Alexander Dimalanta, alyas Jojo, nasa hustong gulang, ng 1789 Antipolo Street, sa Sta. Cruz, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa investigation report ng Manila Police District (MPD)- Station 3, naglatag ng anti-illegal drugs operation ang Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD sa naturang sementeryo, dakong 6:20 ng gabi.

Sa nasabing transaksiyon, nakahalata at nanlaban umano ang suspek na naging dahilan upang mapilitang magpaputok ng baril ang mga pulis.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nakumpiska sa pinangyarihan ang isang cal. 38 revolver at P3,000 halaga ng umano’y shabu na nabili mula sa suspek.

-Mary Ann Santiago