Patay ang isang call center agent nang tumalon mula sa ikawalong palapag ng isang opistal sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Basag ang bungo ni Robert Resuriaga, 46, ng No. 1770 N. Garcia Street, Barangay Valenzuela, Makati City, nang matagpuan ang bangkay nito sa ground floor ng Victor Potenciano Medical Memorial Center sa EDSA, Sierra Madre St., Bgy. Highway Hills, Mandaluyong, dakong 4:45 ng madaling araw.

Ayon kay Mandaluyong City Police chief, Senior Supt. Moises Villaceran, Jr., lumabas si Resuriaga mula sa bintana ng kanyang kuwarto at tumalon.

Ayon sa on-duty security guard na si Jeffrey Hawod, 30, nakarinig siya nang malakas na kalabog at nang silipin ay nakita ang bangkay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napag-alaman na naka-confine si Resuriaga sa nasabing ospital at nakatakda na sanang operahan.

Hindi binanggit ng awtoridad kung ano ang sakit ni Resuriaga.

-Mary Ann Santiago