ACTIVE na uli sa showbiz si Kylie Padilla pagkatapos ng matagal ding pahinga, dahil nagbuntis, nanganak at nag-alaga muna siya ng panganay nila ni Aljur Abrenica. Ngayong, malapit nang mag-isang taon si Baby Alas, ready nang magbalik-acting si Kylie.

IMG_4562 copy

Papasok siya sa The Cure, at mukhang hindi lang siya basta guest, dahil sa teaser ay nakasaad ang “may bagong sasali sa paghahanap...,” at ipinakita si Kylie na naglalakad habang may sukbit na sandata laban sa mga infected ng Monkey Virus Disease.

Ang astig ng dating ni Kylie, kaya excited na ang kanyang fans na muli siyang mapanood.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Nabanggit naman ni Kylie noon na palalakihin lang niya si Alas, at ‘pag malaki-laki na ang anak at puwede na niyang iwan ay babalik na siya sa showbiz.

-Nitz Miralles