NAOSPITAL si Barry Manilow dahil sa bronchial infection.

Barry

Kahit nakakatakdang simulan ni Barry ang kanyang residency sa Westgate Las Vegas nitong Huwebes sa serye ng sold-out shows, kinailangang kanselahin ng singer ang kanyang opening weekend of performances.

“I can’t believe this is happening,” ani Barry, 74, sa pahayag sa People, nang kumpirmahin ang kanyang pagkakaospital dahil sa bronchial infection. “Our new show is ready, we’re all ready, and we were all looking forward to tonight.”

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

Inaasahang magiging mabilisang paggaling ni Barry at ilang araw pa ay makakauwi na siya.

Ibinahagi rin ng singer ang nasabing balita sa social media.

“The entire Westgate family wishes Barry a speedy recovery and we know that he will dazzle audiences when his show resumes on June 21st,” sinabi ni David Siegel, founder at CEO ng Westgate Resorts.

Magbabalik ang Manilow Las Vegas – The Hits Come Home sa regular schedule nito simula sa Hunyo 21.

Naospital si Barry isang taon matapos siyang magkaproblema rin sa kalusugan. Noong Mayo 2017, ipinagpaliban ng Copacabana at Weekend in New England singer ang ilang shows dahil sa sprained vocal cords.

“Barry is on doctors orders to rest due to sprained vocal cords,” nakasaad sa kanyang pahayag ng panahong iyon. “We are all very sorry for any inconvenience this may cause.”