OPTIMISTIKO sa kanilang tsansa hindi lamang sa basketball kundi maging sa iba pang mga sports si NCAA at season host University of Perpetual Help System Dalta president Anthony Tamayo para sa darating na NCAA Season 94 na magbubukas sa Hulyo 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I have faith that we will do good this season in many fronts, we have high expectations,” pahayag ni Tamayo,

Umaasa si Tamayo na magagawang maulit ng Las Pinas-based school’s ang kanilang performance noong 1996 at 1997 seasons kung saan napanalunan nila ang general championship.

Ang pagiging optimistiko ni Tamayo ay maibabase sa naging magandang pagtatapos ng kanilang track and field team at patuloy na pamamayagpag ng kanilang volleyball program bukod pa sa pagkuha nila ng mga bagong coaches sa football at basketball.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kinuha ng Perpetual ang beterano at multi-titled coach na si Frankie Lim bilang bago nilang coach sa men’s basketball team gayundin si dating Azkals star Chieffy Caligdong bilang bagong football mentor.

“We want coaches who have a culture of winning and coaches Frankie Lim and Chieffy Caligdong both embody them and we want it to translate to championships if not now, in the near future,” wika ni Tamayo.

Samantala, si, Tamayo ang magsisilbing Season 94 opening guest speaker.

“We have a special production number prepared for everyone,” aniya.

-Marivic Awitan