AFTER na pangunahan nina Kris Bernal at Rocco Nacino ang “Pista sa Nayon” para sa Philippine Independence Day celebration ng mga kababayan natin sa Vallejo, California para sa GMA Pinoy TV ay hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas ang aktres.

Kris

Sinamantala pala niyang puntahan ang bahay na binili ng pamilya nila sa West Covina sa Los Angeles, California. Naroon kasi ang older sister ni Kris na si Katie Ann, na two years nang nagtatrabaho roon bilang registered nurse.

Napagkasunduan daw ng family ni Kris na bumili ng bahay doon para matuluyan ni Katie Ann, at magiging tirahan din ng sinumang family member kapag nasa Amerika sila.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero may mga nang-iintriga kay Kris, na para bang walang kakayahan ang aktres na bumili ng house and lot sa Amerika. Bakit naman hindi, eh nagsimula si Kris sa StarStruck Batch 4 in 2006. na sila ni Aljur Abrenica ang Ultimate Survivor winners.

Since then, hindi na halos nabakante sa paggawa ng sunud-sunod na teleserye sa GMA 7 si Kris. Last niyang ginawa ang Impostora, na nagtapos noong February 2018. Bukod pa roon, nakapagtayo na ng restaurant si Kris, na siya rin ang nagma-manage.

After seven years, ngayon nga raw muli nakabalik sa California si Kris at iyon nga, ipinakita niya ang bahay na nabili nila sa West Covina. Sa kuwento ni Kris, matagal din daw naghanap ng mabibiling house and lot ang sister niya bago nakakuha ng lote na almost 4,000 square meters ang laki at almost 3,000 square meters naman ang bahay, na may pitong kuwarto.

Basta, ayon kay Kris, ang kabuuan ng ipinambili sa house and lot ay may share ang bawat isa sa pamilya. Kuwento ni Kris, noong una ay gusto niyang ang kinikita niya ay i-deposit sa bank account ni Katie Ann sa Amerika, pero hindi raw ito pumayag. Mas mabuti raw na i-invest ang pera sa real estate, dahil mabilis daw tumaas ang presyo ng mga ito.

Kaya naman naghintay ang pamilya ng magandang house and lot na mabibili, na tirahan na nga ngayon ni Katie.

At batay sa report sa kanila, tumaas na kaagad ang presyo ng nabiling house and lot ng pamilya ni Kris sakaling may plano silang ibenta ito. Sa ngayon, ine-enjoy pa rin ni Kris ang buhay sa Amerika; pumapasyal siya sa iba’t ibang lugar sa California since wala pa naman siyang bagong project na sisimulan sa GMA. Once nga namang balik-trabaho na siya, mawawalan na naman siya ng time na maka-travel.

-NORA CALDERON