MARAMING nag-like sa photo na post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram wall, kung saan kasama niya ang iba pang sikat na Viva talents na sina Anne Curtis, Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Boss Vic, Anne, Sarah, Regine st Sharon

Ang caption ni Sharon: “Boss Vic and his ‘angels’ with Sandra Chavez. Anne @annecurtissmith, Sarah G. de M.G. (Matteo Guidicelli), Regine ni Pogi @reginevalcasid @ogiealcasid, Sharon ni...lam nyo na.”

Kung tutuusin, si Sharon ang unang angel ni Boss Vic del Rosario. Blockbuster ang mga movies niya noon, patok din ang concerts at lalo na ang record albums niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ganoon din si Regine, although hindi naman madalas gumawa ng movie si Regine, pero sa concert at record albums naman siya bumabawi. Natatandaan naming tinagurian noon ng Viva si Regine bilang Julia Roberts ng Pilipinas, dahil patok ang kanyang romantic at feel good movies, gaya ng Wanted: Perfect Mother with Christopher de Leon.

Nauna namang pumasok sa Viva si Anne kaysa kay Sarah, pero pareho silang in-demand as product endorsers. Since nanalo si Sarah sa A Star For A Night, naging in-demand na rin siya sa concerts here and abroad. At kahit hindi siya madalas gumawa ng pelikula, lagi namang blockbuster ang mga pinagbibidahan niya. Gaya ng pagtatambal nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula, simula noon ay lagi nang pinipilahan sa takilya ang movies ni Sarah.

Aminado si Anne na hindi maganda ang boses niya, pero nakaya niyang mag-concert at tinangkilik din ito ng fans niya. Si Anne din siguro ang pinakabata sa kanila na tumanggap ng mga sexy-dramatic roles hanggang sa ngayon. Naging blockbuster din ang napapanood niyang movie ngayon, ang Sid & Aya (Not Just A Love Story) with Dingdong Dantes, na kahit nasa third week ay patuloy pa ring pinipilahan.

Kaya ang tanong ng mga fans nila kay Boss Vic, kailan daw niya pagsasama-samahin sa iisang movie ang apat niyang Viva Angels? Tiyak daw na magiging super blockbuster ito.

-Nora V. Calderon