MAY 82-year-old na lola si Alden Richards, si Lola Linda, at nakita niya marahil ang kanyang lola sa 80-anyos na babaeng winner sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga nitong Saturday kaya nagboluntaryo siyang sagutin ang buwanang allowance nito.

Alden

Nasa panel si Alden ng “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga, kasama sina Joey de Leon at Allan K last Saturday nang mabunot ang matanda, na mag-isa lang namumuhay. Hindi nito kasama ang dalawang anak, at para may kinikita ay naghuhugas ito ng plato sa isang karinderya malapit sa bahay nito. Ang suweldo ng matanda, P100 lang.

“Dahil may lola po rin akong katulad ninyo, ako na ang sasagot sa buwan-buwang allowance ninyo, para po hindi na kayo maghugas ng pinggan,” sabi ni Alden. “Kakausapin po kayo ng staff, Kuya Jose (Manalo), kayo na po ang bahala.”

Tsika at Intriga

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?

No problem naman iyon, dahil ang mga nabubunot nilang winners na hindi alam ang gagawin sa mga napanalunan nilang cash prizes, ay tinutulungan ng staff ng EB kung ano ang gagawin sa pera, for their safety rin. Sa pagkakataong iyon, ang staff na ng EB ang mamamagitan kung paano tatanggapin ng matanda ang monthly allowance nito mula kay Alden.

Likas na matulungin si Alden. Hindi ito ang first time na nagbigay siya, o maging si Maine Mendoza, ng tulong mula sa sarili nilang bulsa. Ilan na ang nabigyan nila ng tulong, may scholarship na rin silang naipagkaloob, at allowances sa mga estudyanteng contestant.

Kaya naman blessed si Alden sa lahat ng ginagawa niya. Ang latest ay nang manguna sa Top Singles ng iTunes Philippines ang collaboration niya with the Ex-Battalion. Inawit nila nitong Friday ang Superhero Mo Ako, ang theme song ng bago niyang action-drama-fantaserye na Victor Magtanggol.

Sa mga gustong makakuha ng copy ng Superhero Mo Ako, puwede itong mabili sa iTunes ng P35 lamang.

Thankful din si Alden sa smooth taping ng Victor Magtanggol kaya naman hindi siya nagsasawang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

-NORA V. CALDERON