PINILI ng National Collegiate Athletic Association ang grupo ng mga referee ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para maging opisyal sa basketball event ng NCAA Season 94 sa Hulyo 7 sa MOA Arena.

Ayon kay Frank Gusi ng Perpetual Help, chairman ng NCAA Management Committee, na papalitan ng MPBL referee ang dating opisyal mula sa Basketball Referees Association for Schools, Colleges and Universities (BRASCU).

“The pool of referees from the MPBL will officiate this year,” pahayag ni Gusi.

Kinumpirma ni League commissioner Arturo “Bai” Cristobal ang naging desisyon ng management Committee, ngunit dadaan pa umano ito sa NCAA Board.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“The league will make the final decision this coming week,” ayon kay Cristobal.

Magsisimula ang NCAA basketball tampok ang duwelo sa pagitan ng defending champion San Beda kontra Perpetual Help ganap na 2:00 ng hapon kasunod ang laban ng San Sebastian at last year’s losing finalist Lyceum of the Phl U ganap na 4:00 ng hapon.

Gaganapin ang opening parade sa 12:00 ng tanghali.

Sinabi rin ni Gusi na magpapatuloy ang NCAA on Tour tampok ang mga laro ng Perpetual Help, Letran- Calamba, Jose Rizal, Arellano U, La Salle-Greenhills at San Sebastian- Cavite.