April 11, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Special payout para sa NCR-based drivers na bigong makatanggap ng fuel subsidy

ALAMIN: Special payout para sa NCR-based drivers na bigong makatanggap ng fuel subsidy
Photo courtesy: DSWD/FB


Matapos ikasa kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis, napaulat na ang ilan sa kanila ay hindi nakatanggap ng subsidiya o tulong-pinansyal mula sa pamahalaan.

Bilang tugon, ipinangako ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kamakailan na sila ay magkakasa ng panibagong schedule para sa special payout ng mga driver na bigong makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

“Ire-reconcile natin, hahanapin natin isa-isa ‘yong mga nawawala sa listahan at tutulungan natin na malagay sa listahan. Sisiguraduhin namin na kami na ang aabot sa inyong local government unit para masigurado na mapabilang naman kayo sa susunod na payout at hindi magtatagal ang payout na iyon,” saad ni Sec. Gatchalian sa isang pahayag.

MAKI-BALITA: 'Hahanapin natin isa-isa:' DSWD, aaksyunan mga tsuper na 'di nakakuha ng ₱5k fuel subsidy-Balita

Kaya naman nito lamang Huwebes, Abril 9, naglabas na ang DSWD ng special payout schedule at sites para sa mga tricycle drivers at public utility jeepney (PUJ) drivers sa Metro Manila na kwalipikado sa nasabing payout.

Sa nabanggit na anunsyo, makikitang magsisimula ang naturang special payout sa darating na Abril 14, 7:00 ng umaga. Susundan ito ng panibagong schedule sa darating namang Abril 15 at 22, 7:00 pa rin ng umaga.

Para sa TODA Drivers:

April 14 (Martes)

CALOOCAN - Pacquiao Court and Buena Park Court

MALABON - Malabon Sport Complex Oval Hulong Duhat

MANDALUYONG - Atrium, Executive Blue Building, Mandaluyong City Hall

MANILA CITY - Dakota Covered Court

MARIKINA - Activity Area - Marikina Sports Center

NAVOTAS - Phase 1B Multipurpose Bldg., Bangus St., NBBS Kaunlaran

PARANAQUE - Parañaque City Sports Complex, San Antonio Valley 1

PASAY - Cuneta Astrodome

PASIG - Kapitolyo Amphitheater, Stella Maris St, Kapitolyo, Pasig

SAN JUAN - Atrium, San Juan City Hall

VALENZUELA - Valenzuela City People's Park Amphitheater

QUEZON CITY - QMC, Commonwealth Gate

April 15 (Miyerkules)

MAKATI - Makati City Hall Quadrangle

MUNTINLUPA - Muntinlupa Sports Complex

TAGUIG - Mercado De Lago

PATEROS - Pateros Elementary School

April 22 (Miyerkules)

LAS PIÑAS - Aguilar Sports Complex

Para sa PUJ Drivers:

April 14 (Martes)

NAVOTAS - Phase 1B Multipurpose Bldg., Bangus St., NBBS Kaunlaran

MANDALUYONG - Atrium, Executive Blue Building Mandaluyong City Hall

MARIKINA - Activity Area - Marikina Sports Center

PASAY - Cuneta Astrodome

PASIG - Kapitolyo Amphitheater, Stella Maris St., Kapitolyo, Pasig

SAN JUAN - Atrium, San Juan City Hall

April 15 (Miyerkules)

CALOOCAN - Pacquiao Court

MALABON - Malabon Sport Complex Oval Hulong Duhat

MANILA CITY - Brgy. 377 Covered Court Sta. Cruz Manila

MAKATI - Makati City Hall Quadrangle

MUNTINLUPA - Muntinlupa Sports Complex

PATEROS - Pateros Elementary School

PARAÑAQUE - Parañaque City Sports Complex, San Antonio Valley 1

TAGUIG - Mercado De Lago

VALENZUELA - Valenzuela City People's Park Amphitheater

QUEZON CITY - QMC, Commonwealth Gate

April 22 (Miyerkules)

LAS PIÑAS - Aguilar Sports Complex

Paalala ng DSWD, huwag kalimutang dalhin ang VALID DRIVER’s LICENSE at isang (1) photocopy nito para makuha ang tulong-pinansyal.

Photo courtesy: DSWD/FB