Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

1:00 n.h. -- Air Force vs Army (men’s)

4:00 n.h. -- PetroGazz vs Tacloban (women’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:00 n.g. -- Iriga-Navy vs Pocari-Air Force (women’s)

NAKABANGON ang BaliPure mula sa tatlong dikit na kabiguan sa pagtatapos ng eliminations nang bawian ang Iriga-Navy sa isang dikdikang 25-17, 18-25, 20-25, 26-24, 18-16, sa pagbubukas ng quarterfinal round ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Reinforced Conference nitong Sabado sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Umiskor si import Janisa Johnson ng 27 puntos, 23 galing sa kills, upang pamunuan ang matamis na ganti ng Water Defenders sa kabiguan sa kamay ng Lady Oragons sa eliminations.

Nauna rito, nakaganti rin ang BanKo-Perlas sa baguhang Tacloban matapos itarak ang 25-22, 25-20, 25-18 panalo.

Ginamit ng Perlas Spikers ang nakuhang momentum mula sa mainit na pagtatapos sa eliminations upang simulan ang panibagong round na magtatakda ng huling dalawang koponang uusad sa semifinals.

Sa pamumuno ni import Kia Bright na tumapos na may 19-puntos, 16 digs at 8 excellent receptions, naipaghiganti ng Banko Perlas ang nalasap na kabiguan sa kamay ng Fighting Warays sa elimination round.

Ang dalawang mangungunang koponan matapos ang single round quarterfinals ay makakatunggali ng mga outright semifinalists Creamline at PayMaya sa semifinals.

-Marivic Awitan