CARACAS (AFP) – Naitala ang polio sa Venezuela, ilang dekada matapos itong mabura sa bansa na nasasadlak ngayon sa krisis, iniulat ng Pan-American Health Organization.

Sinabi ng organisasyon na ang batang biktima ay hindi nabakunahan at nakatira sa under-immunized at maralitang Delta Amacuro state.

Ang polio, o poliomyelitis, ay isang nakalulumpong sakit sa pagkabata na dulot ng poliovirus, at naiiwasan sa pamamagitan ng pagpabakuna.

Sinabi ni Doctor Jose Felix Oletta, dating Minister of Health, sa AFP na ang huling kaso ng acute poliomyelitis sa Venezuela ay naitala noong 1989.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

‘’The virus especially affects people in conditions of malnutrition and unvaccinated, as this case,’’ dugtong ni Oletta.

Binatikos ni Oletta ang health authorities sa gobyerno ni President Nicolas Maduro na inabot ng mahigit isang buwan bago ipinalaam sa PAHO na natukoy nito ang virus. Inoobliga ng international health regulations na iulat ito sa loob ng 24 oras.