CALAMBA CITY, Laguna - Dalawang hindi pa nakikilalang holdaper ang napatay nang makipagbarilan sa awtoridad sa Purok 7, Barangay Pansol dito, kahapon ng madaling araw.

Naabutan ng SWAT at Calamba City police ang mga suspek na papatakas habang sakay sa tricycle at nang nakitang hinahabol sila ng mga pulis ay nagpaputok umano ng baril at agad namang gumanti ang mga tumutugis dahil sa panganib sa buhay.

Sa ulat, isang sari-sari store owner ang biniktima ng mga suspek. Isinugod sa J.P. Rizal Hospital ang mga suspek ngunit hindi na umabot nang buhay.

-Danny J. Estacio
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog