Sugatan ang isang tricycle driver nang barilin ng isang ‘di pa nakikilalang suspek habang namamasada sa Teresa, Rizal kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Binangonan Provincial Hospital si Jayson Riofrio, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente sa CHE 1 terminal sa Barangay Bagumbayan, sa Teresa, dakong 7:35 ng gabi.

Nagbababa ng pasahero ang biktima sa naturang lugar nang lapitan ng suspek at binaril sa leeg.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!

-Mary Ann Santiago