IBAAN, Batangas – Tuluyan nang naaresto ang tinaguriang most wanted sa drugs watchlist at ang kasama nito sa buy-bust operation sa Ibaan, Batangas nitong Miyerkules ng hapon.

Sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang mga inaresto na sina Adonis Dagos, 26, No. 1 sa drugs watchlist ng Ibaan; at Luisito Rivera, 58.

Nagsagawa ng operasyon ang grupo ni Sr. Insp. Jayson Aguilar, hepe ng pulisya, sa Barangay Sabang ng nasabing bayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Lyka Manalo