NATUTUWA ang fans ni Glaiza de Castro, dahil bukod sa Afternoon Prime na Contessa, may pelikula rin ang aktres na kanilang aabangan.

Glaiza

Si Glaiza ang magbibida sa 2018 Cinemalaya entry na Liway, na kung tama ang nabasa namin ay kumander ng New People’s Army (NPA) ang gagampanan ni Glaiza.

Si Kip Oebanda ang writer at director ng Liway. Si Kip din ang director ng indie films na Bar Boys at Tumbang Preso, na parehong mahuhusay na pelikula. Ibig sabihin, in good hands si Glaiza.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Balik-pelikula si Glaiza sa Liway, na sa tagal na ng last movie ay hindi na namin matandaan. Sa nakita naming mga litrato sa look test, may hawak na mahabang baril si Glaiza at siguradong may mga action at fight scenes siya sa kanyang pagbabalik-pelikula.

Hindi na mahihirapan sa fight scenes si Glaiza, kahit sa eksenang babaril siya, dahil sumailalim siya sa martial arts at target shooting training para sa Contessa.

Muling makakasama ni Glaiza si Dominic Roco sa pelikula, na nakasama rin niya sa Contessa bago patayin ang karakter ng aktor sa serye.

Napansin lang namin, black ang hair ni Glaiza sa Liway, pero may kulay ang buhok niya ngayon. Mabuti na lang at uso ang wig o hair extension, kaya hindi mamumroblema ang director ng pelikula o ang director ng Contessa.

-Nitz Miralles