LA PAZ, Tarlac - Duguang isinugod sa La Paz Medicare and Community Hospital ang isang motorcycle driver at dalawa nitong angkas nang mabundol ng kotse sa Victoria-La Paz Road, Barangay Guevarra, La Paz, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Matt Francisco, 15, driver ng motorsiklo; Micky Manuel, 18; at Jerome Samonte, 14, ng Bgy. San Isidro.

Kinilala naman ang nakabundol na si Melanio Sampoleo, 44, driver ng kotse (TOP-332), taga-Bgy. Sumacab South, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Binabagtas ng mga biktima at ng suspek ang lugar nang mabangga ng huli ang motorsiklo ng mga una.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Leandro Alborote