MARIAN Rivera must be very proud sa asawang si Dingdong Dantes. Being a supportive wife, nasa likod lang siya ng mister sa lahat ng nais nitong gawin.

Dingdong copy

Kaya naman nang matanong noon si Marian kung papayag ba siyang pasukin ni Dingdong ang pulitika, sagot niya: “Kung ano ang gusto niya, susuportahan ko siya.”

Kahit malayu-layo pa naman ang susunod na national election sa susunod na taon, maraming nagsasabi na isa si Dingdong sa mga may potensiyal na maging mahusay na public servant. Kailangan daw kasi ngayon ng mga Pilipino ay mga mas batang magpapatakbo sa ating bansa. Pero tikom pa ang bibig ni Dingdong tungkol dito.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero last Monday, naging commencement speaker si Dingdong sa City of Malabon University graduation exercises, held at the Philippine International Convention Center. Ito ang bahagi ng speech ng aktor:

“In this morning’s 23rd Commencement Exercises of the City of Malabon University, I couldn’t help but use the Black Swan theory (salamat sa inspiration, Direk Ayrin) of Taleb and relate it with the next exciting chapter of these graduates’ lives – a journey which will be filled with not only adventure but also uncertainties. Pero sa pag-akap nila ng mga ‘black swans’ o ‘rare events’ na darating, I also hope that they continue to live up to the challenge of becoming responsible citizens, who have aspirations that are greater than one’s self....”

Sa kabila ng busy schedule ni Dingdong simula nang pasukin niya ang showbiz noong teenager siya at sa pagiging movie producer, nagawa niyang makatapos ng studies niya sa San Beda College at sa West Negros University. Founder siya ng Yes Pinoy Foundation at ilang taon nang tumutulong sa kabataan ang organisasyon.

Tinatapos din ngayon ni Dingdong ang Public Administration sa University of the Philippines-Diliman.

May nakapila pa siyang project sa GMA Network, at showing ngayon ang blockbuster agad na movie nila ni Anne Curtis, mula sa Viva Films, ang Sid & Aya (Not A Love Story).