AFTER ng rehearsals para sa kanilang 3 Stars 1 Heart concert ay nagbigay ng oras sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid para sa chikahan with some entertainment press.

Raul Christian Regine Julie Anne

Sa June 16 ang concert sa Dubai World Trade Center, produced by GMA Pinoy TV with partner carrier OSN.

Hindi ito ang first time na mapapanood silang tatlo sa isang concert, dahil nauna nang itinanghal ang 3 Stars 1 Heart sa Cebu, sa Dagupan City in Pangasinan, at pangatlo na itong sa Dubai.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pare-pareho ba ang iparirinig nilang repertoire sa mga manonood nila?

“Basically the same show,” sagot ni Christian. “Pero may mga requests silang ibang OPM songs, kaya iyon ang pinaghahandaan namin ngayon.”

“Maganda nga kasi sa kanila na rin nanggaling (ang song requests), dahil gusto namin ibigay sa kanila ang gusto nila. Since alam naming sabik sila sa mga awiting Pinoy, lalo na kung matagal na silang nagtatrabaho sa Dubai,” wika ni Regine.

“Magdu-duet po kami ni Christian ng Perfect, at kakantahin naming tatlo ang I Can,” sabi naman ni Julie. “Isa pa naming idinagdag na song ang Hanggang Ngayon.”

Mas solid daw ang kanilang show this time, dahil gamay na nila ang mga ginagawa nila. Biro pa nga nina Regine at Christian, dahil si Julie Anne ang pinakabata ay may dance number din daw ito.

“Isa pa naming paghahandaan, bago kami humarap sa kanila, magbabasa kami ng latest showbiz tsismis. Alam naming sabik silang makabalita ng mga nangyayari sa atin dito,” anila.

“At ang mga fans abroad, very receptive sila kung ano ang napapanood nila. Napag-usapan sana namin ang tungkol sa pagbi-video nila sa amin habang nagsu-show, pero hindi namin aalisin sa kanila iyon. Tinanong kasi namin, bakit sa halip na i-enjoy nila ang panonood sa amin at ma-experience ang concert, mas gusto nilang kumuha ng video, kasi raw para kahit tapos na ang concert, at every time na gusto nilang muling mapanood, bubuksan lamang nila ang mga cell phones nila at mababalikan nila ang mga napanood nila.”

Ipagkakaloob din ni Regine sa seven lucky winners ng “Regine by Request” ang songs na hiniling nila, at isi-serenade sila ni Regine on stage, kasama sina Christian at Julie Anne.

Gates open at 3:00 PM. May meet & greet with the stars din ang mga fans after the concert.

For ticket inquiries, e-mail [email protected] or call +971-4435-9434, +971-56-685-9351 or +971-52-993-1164.

-Nora V. Calderon