JOHANNESBURG (AFP) – Sa freak accident, isang lalaki ang nabaril at napatay ang kanyang 14- anyos na anak sa labas ng eskuwelahan sa South Africa kung saan niya ito hinihintay matapos ang eskuwela, sinabi ng pulisya nitong Miyerkules.

Inihatid ng ama, 50 anyos, ang kanyang anak na lalaki sa panggabing klase nito at naghintay sa labas ng eskuwelahan sa katimugan ng Johannesburg. Ini-lock ng ama ang kotse at naghintay sa loob, ngunit nakaidlip siya. Nang dumating ang anak ay kumatok ito sa bintana para gisingin ang ama.

‘’The father who was asleep in the car with his firearm on him, got scared by the knocking of his son, he pulled out his firearm and shot towards the direction of the person who was knocking,’’ sabi ni police spokesman Mpande Khoza.

‘’He then realised that it was his son after he had fired the shot,’’ aniya, idinagdag na namatay ang bata habang dinadala sa ospital.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo