MAY diskusyon sa social media kung dapat bang patawarin na lang ng mga magulang ni Eleila Santos si Ellen Adarna sa mga kasong isinampa laban sa sexy actress.

Ellen

Sabi ng Team Ellen, konsiderasyon na lang mula sa kampo ng mga Santos, dahil bukod sa very pregnant si Ellen and to deliver her child any day now, kamamatay lang ng ama nitong si Allan.

Sabi naman ng mga naniniwalang dapat pairalin ang batas, hindi dahilan na buntis si Ellen at namatay ang ama nito para i-dismiss na lang ang kaso. Naisampa nga naman ang kaso bago pa pumanaw ang ama ni Ellen.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Nagkaroon ng ganitong diskusyon dahil hindi sinipot ni Ellen nitong Lunes ang unang hearing ng child abuse case na isinampa laban sa kanya ng mga magulang ng 17-year old girl na si Eleila.

Nangyari ang hearing sa Office of the City Prosecutor sa Pasig, at hindi nga ito sinipot ni Ellen, o maging ng kanyang lawyer. Kinailangan i-reschedule ang hearing para mapakinggan ang side ni Ellen sa nangyari.

Naglabas na ng legal statement si Atty. Arnold Labay, ang legal counsel ng pamilya Santos, tungkol sa hindi pagsipot ni Ellen.

“Hearing was reset to June 11 due to the absence of Ms. Ellen. Santos family would just await for the Child Abuse and Cybercrime cases to take its due course.”

Samantala, siguradong nasa Cebu pa si Ellen ngayon dahil sa Biyernes, June 8, pa ang libing ng kanyang ama, na biglaang pumanaw nitong May 31, dahil sa cardiac arrest.

Sa June 11 naman naka-schedule ang next hearing, na kung tama ang nabasa namin, kapag hindi pa sumipot si Ellen ay magpapalabas na ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya.

-NITZ MIRALLES