Nasa 93 taga-gobyerno ang napabilang sa bagong drug list na inilabas kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa press briefing kahapon, sinabi ni PDEA Director-General Aaron Aquino na kabilang sa bagong listahan ang ilang kongresista at alkalde.

Ito ang kinumpirma ng PDEA mahigit isang buwan makaraang isapubliko ng ahensiya ang pangalan ng 207 opisyal ng barangay na hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

Ayon kay Aquino, pasok sa bagong drug list ang anim hanggang pitong kongresista, at aabot sa 60 alkalde, bise alkalde, at mga opisyal ng militar at pulisya.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Dagdag pa niya, nasa listahan din ang 17 iba pang halal na opisyal at ilang mismong tauhan ng PDEA.

“Majority of those in the list are incumbent officials, some of whom are from Calabarzon, Northern Mindanao and ARMM,” ani Aquino.

Hindi pa pinapangalanan ni Aquino ang nasabing mga opisyal dahil kasalukuyan pang kinukumpleto ng PDEA ang case build-up laban sa mga ito.

Abril nang pangalanan ng PDEA ang mga opisyal ng barangay na sangkot umano sa droga, at nasa 60 sa mga ito ang nahalal noong nakaraang buwan.

-Chito A. Chavez