Naaresto ng pulisya ang kinakasama ng umano’y drug syndicate leader na si resigned Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, sa naganap na pagsalakay sa Parañaque City, nitong Linggo ng umaga.

Iprinisinta ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahayag ang suspek na si Mina Luansing, 34, ng 35 Belisario Compound, San Isidro, Parañaque City.

Inaresto si Luansing ng mga tauhan ng Directorate for Intelligence ng pulisya at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa bahay nito, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Osamiz City Judge Edmundo Pinlac ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15.

Si Luansing ay sinasabing live-in partner ni Parajinog na naaresto sa Taiwan kamakailan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bukod kay Luansing, inaresto rin si Jonas Galamitan Cablitas, 48, caretaker ng nasabing lugar.

-Fer Taboy