KAAGAD na nag-post ng pasasalamat si Master Henyo, @angpoetnyo Joey de Leon sa kanyang Instagram wall pagkatapos niyang mag-perform ng Frank Sinatra songs, in concert with the Broadway Boys, nitong Sabado.

102

Kasamang nagtanghal ni Joey nitong Sabado ang Broadway Boys na sina Joshua Lumbao, Joshua Torino, Benedict Aboyme at Francis Aglabtin, na tinaguriang “Le-JUNE-dary” ng Eat Bulaga. Every Saturday ay mga Dabarkads naman ang makaka-duet ng Broadway Boys, at nauna nang nag-perform kasama ng grupo sina Senator Tito Sotto, Alden Richards, at Allan K.

“Thank you Dabarkads! Ninenerbyos ako nung makita kong kumpleto kayong nakasalampak sa harap namin ng Broadway Boys! Imagine ‘yung AlDub together! Nakakatuwa naman! Kaya balewala ‘yang trending-trending, mukhang ‘yung inyo Unending. Salamat uli my co-hosts,” post ni Joey.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“MY BEST AUDIENCE IN ALL OF MY PERFORMANCES! Thank you so much! Not in pic are Pia & Ryan kasi ini-interview kami ng Broadways Boys. Until our next concert!” saad sa isa pang post ni Joey, tinutukoy sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo.

Umani ng libu-libong likes at comments ang post ni Joey, karamihan ay mula sa fans. Sabi pa ng isang comment: “Ayos master @angpoetnyo! Iba talaga ang grupo nyo. Solid!!! Nakakamangha isipin at panoorin kung paano kayo nabuo at patuloy na nabubuo. At patuloy na nagpapasaya lalo na ‘yung mga hindi sinasadyang eksena na nagiging masayang segment. God bless! Forever #EatBulaga.”

Sa Facebook contest naman ni Nanay Nunal (Wally Bayola), napakaraming nakakuha ng cash prizes at may isang masuwerteng pensiyonado na ngayon ng EB. Nakakuha siya ng ATM mula sa longest-running noontime show, na every month ay makakapag-withdraw siya ng P5000 pesos hanggang may Eat Bulaga. Congratulations!!!

-Nora V. Calderon