PAGKATAPOS ng halos apat na linggong sagupaan ng Ultimate Resbakers sa “Tawag Ng Tanghalan” sa It’s Showtime, itinanghal nitong Sabado na grand champion ang pambato ng Visayas na si Janine Berdin.

11

Mula sa 12 resbakers, kabilang sa mga napiling top 6 para lumaban sa nag-iisang korona bilang grand champion at Huling Tapatan sina Anton Antenorcruz ng Parañaque; Reggie Tortugo ng Ormoc, Leyte; Steven Paysu, ng South Carolina, USA; Arabelle Dela Cruz, ng Luzon; Ato Arman ng Mindanao; at si Janine ng Visayas.

Bilang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan Season 2”, tumanggap si Janine ng P2 million cash tax-free mula sa Nescafé, vacation package from 2GO, musical gadgets from JB Music, negosyo package from Siomai House, premium TV sets from HKTV, management contracts from ABS-CBN, a brand new house and lot from Camella worth P2 million, at isang trophy na gawa ng sikat na Filipino visual artist na si Toym Imao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang second placer na si Ato Arman, na may kabuuang 74.27 votes mula sa hurados at online votes ay nakatanggap naman ng P500,000 tax-free; habang ang third placer na si Steve Paysu, with 61.80 % combined hurados at text votes ay nanalo ng P250,000 tax-free. Janine’s vote was almost perfect with 96.11% sa pinagsamang text votes at hurados votes.

Halos lahat ng top 6 grand finalists ay nakatanggap ng standing ovations mula sa mga hurado, na binubuo nina Yeng Constantino, Kyla, Karla Estrada, Rico J. Puno, Billie Crawford, Nyoy Volante, Karylle, Jaya, K Brosas, Eric Santos, Jed Madela, Mitoy Yonting, at ang punong hurado na si Rey Valera.

-ADOR V. SALUTA